Ano ang ibig sabihin ng pagmamalabis?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng pagmamalabis?

Sagot verified answer sagot

Ang pagmamalabis ay tumutukoy sa lubhang pagpapakita ng labis o imposibleng mangyari sa kalagayan ng indibidwal, bagay, o ng isang pangyayari.

Ang pagmamalabis o eksaherasyon na sa ingles ay tinatawag na hyperbole ay isang klase ng tayutay na nagbibigay ng masidhi o malubhang ulat o kaalaman ukol sa tao, bagay, pangyayari, at ipa ba.

Kalimitan itong ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang sa gayon ay maibulalas ang emosyong nais ipakita ng sumulat ng akda.

Karaniwan, ang mga salitang angkop dito ay hindi nagaganap o di naman kaya ay imposibleng mangyari sa tunay na buhay ng isang tao o maging kalagayan ng bagay at pangyayari.