Katanungan
ano ang ibig sabihin ng pangkat etniko?
Sagot
Ang pangkat etniko ay ang mga pangkat ng mga indibidwal na kung saan ang pagkakakilanlan ng bawat kasapi ay nagmula sa magkakaparehong mga pamana maging ang mga ito man ay kinapalolooban ng katotohanan o hindi.
Ang mga pangkat etniko ay higit na nakilala dahil sa kanilang mga paniniwala, kultura, maging ang kanilang lenggwahe.
Sa Pilipinas may iba’t ibang pangkat etnikong nakilala sa kasaysayan na hanggang sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy pa rin ang kani-kanyang mga paniniwala o tradisyon.
Ilan sa mga ito ang pangkat ng mga Ifugao na matatagpuan sa Cordillera Administrative Region, Maranao at Bagobo naman sa gawing Mindanao.