Ano ang ibig sabihin ng pantangi (Halimbawa)?

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng pantangi (halimbawa)?

Sagot verified answer sagot

Ang pantangi ay nagtutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, o iba pa. Halimbawa na lamang ay Pilipinas, ang pangalan ng bansa.

Augustana, pangalan ng isang bata. Wacky, pangalan ng isang lalaki na mahusay lumikha ng sining. Baler, isang lugar na maganda sa Pilipinas, at iba pang mga pantangi. Ang pantangi rin ay nagsisimula sa malaki na titik.

Ang mga pantangi ay nakatutulong upang mas matukoy ang mga bagay na may tamang pangalan at mas matandaan ng mga tao.

Higit pa rito, ito rin ay maaaring identidad ng isang bagay, lugar, o tao. Malaki ang naitutulong nito upang magkaroon ng palatandaan ang mga bagay.