Ano ang ibig sabihin ng pasalintroniko (kahulugan)?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng pasalintroniko (kahulugan)?

Sagot verified answer sagot

Ang ibig sabihin ng pasalintroniko ay paraan n pagsasalin ng isang panitikan sa tulong ng elektroniko na produkto ng teknolohiya.

Ang pagsasalin ng isang akda ay maaaring maidaan sa tatlong pamamaraan, ang pasalinsulat, pasalindila, at pasalintroniko.

Sa pasalinsulat ang mga akda ay isinusulat o inuukit gamit ang mga alpabetong natutunan ng mga katutubo.

Ang pasalindila naman ay ang pasalitang pamamaraan ng pagbabahagi o pagsasalin ng akda. Ang makrong kasanayang nabibigyang halaga nito ay ang pakikinig at pagsasalita.

Sa kabilang banda, kung ang pagsasalin ay isinagawa sa tulong ng teknolohiya partikular na ang elektroniko, ang pagsasalin ay matatawag na pasalintroniko.