Ano ang ibig sabihin ng Pilipinisasyon?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng pilipinisasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang Pilipinasyon ay ang pagbibigay kasarinlan sa Pilipinas bilang isang nakapag-iisang bansa. Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay napasailalim sa iba’t ibang kolonya bunsod ng pananakop ng iba’t ibang mga malalaki at makapangyarihang bansa na naging sanhi ng pagkawala ng pagkakailanlan ng Pilipinas bilang isang bansa.

Subalit dahil sa nasyonalismo, iba’t ibang matatapang na Pilipino ang nanindigan at lumaban upang makamit ang kasarinlan ng bansa.

Ang mga Pilipinong ito ang kinikilala sa kasaysayan bilang mga bayani ng bansang Pilipinas. Bagamat walang sariling Sistema ng pamamahala, sinikap ng mga ito na makabuo ng republika upang sa gayon ay makamit ang pilipinasyon.