Ano ang ibig sabihin ng ponemang suprasegmental?

Katanungan Sagot

6

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng ponemang suprasegmental?

Sagot verified answer sagot

Ang ponemang suprasegmental ay isang uri ng ponema na mayroon pang ibang kahulugan ang ibang pananalita hinggil sa diin, tono, at antala nito.

Mahalagang araling ang ponemang suprasegmental dahil maaaring may iba pang kahulugan ang mga salita na nakabatay din sa mga diin at pag baybay nito.

May mga iba’t ibang uri rin ng ponemang suprasegmental: tono, pag bigkas sa mga pangungusap na may pagtaas at pagbaba – maaring nagsasaad lamang ang isang tao o nagtatanong batay sa tono.

Diin, hinggil ito sa haba ng pagkabigkas ng isang salita. Antala, ang saglit na pagtigil sa mga pangungusap o salita, upang mas maunawaan kung ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap.