Katanungan
ano ang ibig sabihin ng pribatisasyon?
Sagot 
Pribatisasyon ang tawag sa ideya kung saan ang isang negosyo, kumpanya, o iba pang sektor ay ililipat ang kontrol at pagmamay-ari mula sa isang pampublikong nangangasiwa tungo sa isang pribadong indibidwal o grupo.
Kadalasan, ang proseso ng pribatisasyon ay makikita sa mga serbisyo o kumpanya na dating hawak ng pamahalaan. Magandang halimbawa ng pribatisasyon sa ating bansa ay ang pinagkukuhanan ng tubig.
Dati ay gobyerno ang may kontrol at namamahala sa kumpanya na nagsu-suplay ng tubig sa kalakhang Maynila. Ngunit ito ay nabago noon sa ilalim ng isa sa mga presidente. Ngayon ay pribadong kumpanya na ang may hawal sa tubig.