Katanungan
ano ang ibig sabihin ng price ceiling?
Sagot
Ang price ceiling ay ang legal na limitasyon ng huling pinakamataas na presyo na ipinapataw sa isang produkto o di naman kaya ay ng serbisyo ng mga prodyuser o nagtitinda para sa mga indibidwal na tumatangkilik nito.
Ang pagkakaroon ng price ceiling o paglilimita sa presyo ng isang bilihin ay maaaring mula sa kautusan ng pamahalaan o hindi naman kaya ay ng isang ahensiya na may sakop ng aseptong ito.
Ito ay ipinatutupad upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili higit na lalo sa mga panahon ng pagtama ng mga hindi inaasahang sakuna na nagdulot ng malaking pinsala sa isang lugar o di naman kaya ay sa bansa.