Katanungan
ano ang ibig sabihin ng price floor?
Sagot
Ang price floor ay ang pamamaraan ng pamahalaan upang makontrol ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.
Ang pamahalaan ay maaaring pagtatakda ng mas mataas na presyo sa produkto na taliwas sa presyong ekwilibriyong nakatakda rito.
Ang pagtatakda ng price floor na ito ay isinasagawa upang matulungan ang mga prodyuser na matustusan nila ang mga ginastos sa aspetong produksyon gayundin ang kanilang mga pangangailangan.
Sa kabilang banda naman, ang pagtatakda ng presyong mas mababa kaysa sa ekwilibriyong presyo ay ipinatutupad upang matulungan ang mga tao ayon na rin sa kahilingan o hinaing ng mga ito upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.