Katanungan
ano ang ibig sabihin ng salitang cariñosa?
Sagot
Nangangahulugang ito “mapagmahal” o “magiliw”. Ang Carinosa ay isang sayaw na sumikat noong panahon ng mga Espanyol na kung saan ginagamitan ng pamaypay at panyo.
Isinasayaw din ito na suot ang damit ni Maria Clara at ang kapares naman ay naka-Barong Tagalog upang maganda sa paningin ito.
Ang tugtog dito sa sayaw ay may ¾ na kumpas at tinutugtog ng Rondalla na kadalasang ang miyembro ay mga kalalakihan.
Pinakikita ng Carinosa na nahihiya ang babae habang nagsasayaw habang hinahabol naman ito ng lalaki. Mahalaga na maisapraktika pa rin itong Carinosa dahil parte na rin ito ng ating kasaysayan at kultura kada Buwan ng Wika.