Ano ang ibig sabihin ng singkaban?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng singkaban?

Sagot verified answer sagot

Tuwing may pista sa isang lungsod o lalawigan, tayo ay nakakarinig sa mga matatanda na magaganda ang mga singkaban. Ang mga singkaban ay tumutukoy sa mga palamuting arko.

Ito ay maaaring makikita lamang na nakaturok sa daanan o di kaya naman ay buhat-buhat ng mga tao habang nagmamartsa.

Nakikita rin ang singkaban tuwing nagpuprusisyon kaya naman ito rin ay may panrelihiyon na aspeto. Kadalasan ay gawa sa kawayan ang singkaban.

Ang buong lipunan ay magtutulong-tulong sa paggawa nito. Ito ay sumusunod sa tema ng pista. Kung pista ng bulaklak ay didisenyuhan ang mga singkaban ng iba’-t-ibang mga mahahalimuyak na bulaklak.