Ano ang idinidikta ng konsensya sa isip ng tao?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang idinidikta ng konsensya sa isip ng tao?

Sagot verified answer sagot

Ano ang idinidikta ng konsensya sa isip ng taoAng pangunahing bagay na idinidikta ng konsensiya sa isip ng tao ay ang pagpili sa kung ano ang tama o mali o ang kalalabasan ng iyong kilos o desisyon.

Ang konsensiya ay taglay ng isang tao lalo na kung isinasaalang-alang nito ang iba bukod sa sarili. Ang konsensiya ay umiiral sa isang taong may mataas na moralidad sa mga panahong kailangan niyang gumawa ng mga hakbang at desisyong maaaring makaapekto sa iba.

Dahil sa konsensiya, nakabubuo ang tao ng isang desisyon na hindi niya pagsisihan. Kung minsan naman, ang konsensiya ay patuloy na bumabagabag sa isang taong nagbigay ng isang maling kilos o pasya.