Ano ang income effect?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang income effect?

Sagot verified answer sagot

Ang income effect ay isang pagbabagong nagaganap sa dami ng demand ng isang produkto maging ng serbisyo na nakaaapekto sa kakayahan ng mga mamimili na bumili ng mga produkto.

Ang isang itinuturong sanhi nito ay ang pagbabagong pinansiyal na nararanasan ng mga konsyumer kung kaya’t naaapektuhan ang kanilang kakayahan sa pagbili.

Sa mas madaling pagpapaliwanag, ang income effect ay ang epekto ng pagtaas ng mga bilihin sa merkado na siyang sanhi ng pagbabago sa pagkonsumo ng mga mamimili.

Ito ang nagiging ugat ng pagbabawas ng isang pamilya sa mga pangangailangan sa pang-araw-araw sapagkat hindi naaayon o sasapat ang kinikita ng pamilya upang patuloy na tugunan ito.