Ano ang ingklitik (kahulugan at 5 halimbawa)?

Katanungan

Ano ang ingklitik (kahulugan at 5 halimbawa)?

Sagot verified answer sagot

Pagdating sa wika, mayroong isang parte na tinatawag bilang ingklitik. Ito ay mga salitang walang kahulugan sa isang pangungusap kung gagamitin mag-isa.

Ngunit kung isasama sa iba pang mga salita ay makakabuo ng maayos at may katuturan na mga salita o pangungusap.

Ginagamit ang mga ingklitik pandagdag sa mga salita o pangungusap, upang mas maintindihan ang mensaheng nais iparating.

Sa salaysay na ito ay gumamit na ako ng mga ingklitik. Ito ay ang salitang “na”.

Ang iba pang mga halimbawa ng ingklitik ay ang mga sumusunod: ba, lamang, yata, pala, nga, daw o raw, muna.

Kapag ang mga ito ay ginamit sa isang pangungusap, mas magiging makabuluhan ang sinabing pangungusap.