Katanungan
ano ang instrumental na wika?
Sagot 
Ang instrumental na wika ay ang paggamit sa wika bilang instrument ng paglalahad ng mungkahi at paghikayat sa isang tao o sa kapuwa.
Nagiging instrumento ang wika upang maisagawa at maisabuhay ng isang indibiduwal ang anumang nais niyang gawin.
Kabilang sa mga ito ay ang pakikipag-usap, paglalabas ng kaniyang damdamin, pagtatanong upang magkaroon ng bagong impormasyon, pagkalap ng sagot sa pamamagitan ng usapan at tanong, paghihikayat na bumili ng isang produkto o pakinggan ang opinyon, paglikha ng mga liham o sulat na kadalasan ay mga liham pangangalakal at liham sa patnugot, at pagbibigay ng utos, pakiusap, o direktiba ayon sa kagustuhan ng isang tao.