Katanungan
ano ang ipinahihiwatig na kaisipan sa tulang iyong binasa?
Sagot
Ang ipinahihiwatig na kaisipan sa tulang aking binasa ay ang pagpapasiya ay isang gampaning may kaakibat na responsibilidad sapagkat nagtatakda ito ng mga bagay na maaaring makabuti o makasama sa kapwa.
Ang pagpapasiya ay ang tawag sa pagbuo ng isang desisyon hinggil sa isang suliranin o problemang kinahaharap.
Subalit ito ay hindi nararapat na madaliang gawin dahil ang matalinong pagpapasiya o pagbibigay ng desisyon ay kailangan ng masusing panunuri sa sitwasyon at suliranin upang matimbang ang mga maaaring solusyon.
Dapat na iwasan sa paggawa nito ang pabigla-biglang pag-iisip dahil kung uugaliin ito ay maaaring makasama a kapwa ang mga imumungkahing tugon.