Ano ang irregular migrants (kahulugan)?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang irregular migrants (kahulugan)?

Sagot verified answer sagot

Irregular migrants ang tawag sa mga migrante o mga indibidwal na lumilipat mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar nang hindi dumadaan sa tamang proseso.

Sa madaling salita, ang mga irregular migrants ay mga ilegal na mamamayan ng isang lipunan. Sila ay maaaring naninirahan sa partikular na lugar na iyon ngunit wala silang hawak na mga dokumento at permiso mula sa pamahalaan.

Talamak ang mga irregular migrants sa kapanahunan ngayon bagamat maraming mga pamahalaan ang naghihigpit sa pagpapapasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa, kaya naman karamihan sa kanila ay hindi na lamang dumadaan sa legal na proseso.