Ano ang isa sa mga sangay ng agham?

Katanungan

ano ang isa sa mga sangay ng agham?

Sagot verified answer sagot

Sa apat na pinagpipilian, heograpiya ang isa sa mga sangay ng agham. Sa heograpiya, pinag-aaralan ang pisikal na katangian ng daigdig.

Maraming mga ginagamit sa pag-aaral ng heograpiya tulad ng mapa, globo, compass, at iba pa. Ito ay mga instrument na tumutulong upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar sa buong mundo, mapa-relatibong lokasyon man o absoluto.

Sa heograpiya din pinag-aaralan ang iba’t-ibang mga uri ng anyong lupa at anyong tubig. Importante ang heograpiya upang magkaroon tayo ng masusing kaalaman sa mundong ating ginagalawan. Sa gayon ay lagi tayong magiging handa kung may sakuna mang mangyayari sa buong mundo natin.