Katanungan
ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
Sagot
Ang heograpiya ay isa sa mga sangay ng Agham Panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.
Ang heograpiya ay nahahati sa dalawa, ito ay ang pisikal at pantaong heograpiya na may kani-kanyang sakop ng pagsisiyasat.
Kabilang sap ag-aaral ng pisikal na heograpiya ang mga katangiang pisikal ng daigdig kabilang na ang mga anyong tubig at lupa, klima ng lugar maging ang panahon, mga yamang likas, at fauna at florang taglay ng isang bansa.
Ang ikalawa naman ay ang pantaong heograpiya sakop naman pag-unawa sa distribusyon, ugnayan, at kultura ng mga indibidwal na naninirahan sa isang bansa.