Ano ang isa sa walong lalawigan na nag aklas laban sa Kastila?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang isa sa walong lalawigan na nag aklas laban sa kastila? Kahit isang example lang po 🙂

Sagot verified answer sagot

Ano ang isa sa walong lalawigan na nag aklas laban sa KastilaAng walong lalawigan na nanguna sa pag-aaklas o pag-aalsa laban sa mga mananakop na Kastila ay ang Maynila, Bulacan, Laguna, Pampanga, Neuva Ecija, Cavite, Batangas, at Tarlac.

Ang mga lalawigan na ito ay pawang matatagpuan sa Luzon. Ang mga lalawigang ito ay isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista sa pahayagang Independencia sa Kawit, Cavite na ang walong lalawigan na nagpasimula ng pakikidigma laban sa mga mananakop ay ang sinisimbolo ng walong sinag sa araw na makikita sa watawat ng Pilipinas.

Gayunman, sinasabi sa ibang tala na ang Rizal o Morong ang kasama sa walong lalawigan at hindi ang Bataan batay na rin daw sa tala mismo ni Heneral Emilio Aguinaldo.