Katanungan
Ano ang isinasaad ng Batas Underwood-Simmons?
Sagot
Ang isinasaad ng Batas Underwood-Simmons ay maibalik ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansang Estados Unidos at Pilipinas upang mapalawak ng mga nasabing bansa ang pakikipagpalitan ng kani-kanyang mga produkto.
Ang Batas Underwood-Simmons ay naipasa taong 1913 sa Kongreso ng bansang Amerika upang maalis ang ibinabang restriksyon sa kalakalan.
Sa paglulunsad ng Estados Unidos ng kalakalan sa bansa ay nagbigay din ang mga ito ng mga batas na may kaugnayan sa aspetong ito.
Bukod sa nabanggit sa itaas ay inilunsad muna ang Batas Payne-Aldrich na kung saan nililimitahan nito ang pagpapadala ng Pilipinas ng mga produktong bigas, asukat, at tabako dahil sa pagtutol ng mga magsasaka mula sa Amerika.