Ano ang itinatag ng mga Espanyol noong 1635 sa Zamboanga?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ano ang itinatag ng mga espanyol noong 1635 sa zamboanga?

Sagot verified answer sagot

Taong 1635 ng itatag ng mga Espanyol ang isang kuta kung saan ito ay nagsilbing lunsaran ng pagsakop sa mga sultanato ng Mindanao. Tinawag nila itong Real Fuerza de San Jose.

Itinayo ang kuta na ito sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Juan de Chavez, isa sa mg apinuno ng hukbong Kristiyanong Espanyol-Pilipino.

Si Melchor de Vera naman ang punong inhinyero at arkitektor na nangasiwa sa proyekto. Ang Real Fuerza de San Jose ang nagsilbing gabay upang matawag na lungsod ang Zamboanga.

Kadalasan ang tawa grin sa kuta ay Fort Pilar. Ito na ang sinasabing pinakamalaking ambag ng mga Espanyol sa isla ng Mindanao.