Ano ang itinatag ni Macario Sakay?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang itinatag ni macario sakay?

Sagot verified answer sagot

Ang itinatag ni Macario Sakay ay ang Republikang Tagalog. Si Macario Sakay y de Leon ay ang kinilalang isa sa mga Pilipinong heneral na kabilang sa mga nakipagdigma upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa sa kamay ng mga Espanyol noong 1896.

Siya ay isinilang sa Daang Tabora na bahagi ng Tondo. Isa siya sa mga Pilipinong tumindig at ipinaglaban ang bansa ng sumiklab ang digmaang Pilipino at Amerikano.

Matapos ipagpatuloy ang nasimulan, siya ay hinirang na pangulo ng Republika ng mga katagalugan. Sa kasaysayan, siya ay sinasabing isa sa mga orihinal na miymbro ng katipunan at nakipagdigma para sa bansa kasama si Andres Bonifacio.