Ano ang iyong magagawa upang mapaunlad ang wikang filipino?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang iyong magagawa upang mapaunlad ang wikang filipino?

Sagot verified answer sagot

Ang aking magagawa upang mapaunlad ang wikang Filipino ay ang paggamit nito sa pakikipagtalastasan gayundin ang pagpapayaman ng karunungan hinggil sa wikang ito.

Ang wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay ang nagsisilbing buklod gayundin ang daluyan ng pagkakaunawaan ng mga tao anuman ang pagkakaiba ng pangkat o grupong kinabibilangan.

Mahalaga ang paggamit ng wikang ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan upang mapanatiling buhay at kapaki-pakinabang ang Filipinong wika kung kaya ang paggamit nito sa ating buhay ay isa mga mahalagang gawi kung paano maipakikita ang pagpapahalaga rito.

Idagdag pa riyan ang pagpapayaman sa kaalaman tungkol sa wikang ito lalong lalo na sa wastong paggamit ng mga salita upang makapagbigay katuturan sa wikang ito.