Ano ang iyong masasabi sa artikulong binasa (mga minero sa benguet)?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang iyong masasabi sa artikulong binasa (mga minero sa benguet)?

Sagot verified answer sagot

Tunay na nakakalungkot ang nangyari sa mga minerong binawian ng buhay dahil sa pagguho ng lupang kanilang minimina sa probinsya ng Benguet. Ang balita sa kanilang pagkamatay ay nagdulot ng matinding dagok sa maraming mamamayan ng bansa.

Dahil sa hindi kaaya-ayang nangyari ay dapat na magtanda na ang gobyerno at sinumang organisasyon ang may hawak sa pagmimina.

Dapat na nilang paigtingin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga manggagawa. Mahalaga ring linangin ng gobyerno at mga ahensyang pangkalikasan ang kanilang mga alituntunin pagdating sa pagmimina. Sa mga ganitong paraan ay maiiwasan at magiging handa sa kahit anumang panganib o sakuna.