Katanungan
ano ang iyong nabuong pananaw ukol sa kahalagahan ng paggawa?
Sagot
Ang paggawa ay isang napakahalagang aspeto sa buhay ng isang tao upang matugunan ang mga pangangailangan nito na nakatutulong naman sa bansa upang mapabuti ang lagay ng ekonomiya.
Ang paggawa o pagbuo ng isang produkto ng mga manggagawa ng isang kumpanya o institusyon ay Malaki ang ambag hindi lamang sa pansariling pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan kundi pati na rin sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga uri ng buwis na nagmumula sa mga ito.
Ang paggawa rin ang nakatutulong upang malinang ang kagalingan ng isang indibidwal sa pagbuo ng iba’t ibang produkto ayon sa kapakinabangan ng tao at ng bansa.