Katanungan
ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya?
Sagot
Ang aking nalalaman tungkol sa mitolohiya ay ito ay pumgrapatungkol sa mga kuwentong nagpapakita ng isang paniniwala partikular na sa relihiyon at kultura na itinatampok ang mga diyos at diyosa.
Ang mitolohiya ay mga kumpol ng mga tradisyunal na istoryang tumatalakay sa paniniwala o relihiyon.
Ito ay ginagamit sa iba’t ibang kaparaanan gaya na lamang ng mga sumusunod: ginagamit ang mitolohiya upang mabigyang paliwanag ang mga kuwento o teorya ng pagkakalikha sa mundo; maipaliwanag ang mga pwersang nagmumula sa kalikasan; maikuwento ang mga panrelihiyong gawain sa nagdaang panahon; makapagbigay ng aral na mabuti; at maipahayag ang kaligiran ng ating kasaysayan.