Katanungan
ano ang iyong napagtanto matapos mong mabasa ang akdang elehiya sa kamatayan ni kuya?
Sagot
Napagtanto ko na maikli lamang ang buhay at walang pinipiling oras o taon ang kahit sino pag usaping kamatayan na.
Mapa-bata o matanda, dapat pahalagahan lagi ang buhay dahil hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay at kung ano ang maiwan natin sa mundo.
Dapat nag iiwan tayo ng mga masasayang ala-ala at kabutihan sa ating kapwa upang magpatuloy lamang ang kapayapaan sa mga komunidad.
Bukod pa rito, pwede rin na maging inspirasyon ay iyong mga ginawa noong nabubuhay pa at maging modelo sa ibang tao.
Napagtanto ko na dapat din natin alagaan ang mga sarili dahil malulungkot lamang ang mga maiiwan nating tao pag tayo ay yumao.