Ano ang iyong pagkakaunawa sa transaction account?

Katanungan

ano ang iyong pagkakaunawa sa transaction account?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa aking pagkakaunawa, ang isang transaction account ay isang uri ng account sa bangko o iba pang pinansyal na institusyon kung saan ang perang dinedeposito rito ay likido.

Ibig sabihin ng likido ay mabilis ang pasok at labas ng mga pera sa account na ito. Ito ay maaaring dahil ginagamit ang mga perang laman nito sa gastusin araw-araw.

Ang pag-dedeposito ng pera ay maaaring manggaling sa ibang account, sa cheque, o direktang pagdeposito sa bangko.

Ang isang transaction account ay minsan ring tinatawag bilang checking account, current account, or demand deposit account. Hindi ito tulad ng isang savings account kung saan halos hindi ginagalaw ang pera.