Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng transaction account komportable ba kayo dito?

Katanungan

ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng transaction account komportable ba kayo dito?

Sagot verified answer sagot

Sa aking pananaw, ang pagkakaroon ng transaction account ay makatutulong sa mga indibdiwal partikular na sa mga nagtatrabaho sapagkat mababantayan nito ang pagpasok ng suweldo o salapi sa kanyang account.

Sa pamamagitan din nito higit na mapangangalagaan ang salapi sa aspeto ng pagtatabi kung ikukumpara sa pisikal na paghawak sa mga ito na maaaring maubos sa mga hindi makatarungang paggasta.

Kung kaya naman ang pagkakaroon nito ay makatutulong at bilang indibdiwal ako ay komportable sa paggamit nito sapagkat ito ay nagbibigay ng mabilis na pamamaraan ng pagbabantay sa pagpasok at paglabas ng pera.

Bilang karagdagan, ito rin ay magagamit sa tulong ng electronic transfer, debit card, at cheke.