Katanungan
ano ang kabuluhan ng birtud sa wastong pamamahala ng iyong emosyon?
Sagot
Birtud ang tawag sa pagiging “makatao” ng isang idibidwal. Ito ay mga karakteristiks na kanyang natutunan habang siya ay lumalaki at nabubuhay.
Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang birtud ay hindi nakukuha sa kapanganakan. Halimbawa ng birtud ay moral na birtud tulad ng pagiging madasalin o di kaya naman ay intelektuwal na birtud tulad ng karunungan.
Mahalaga ang pagkakaroon ng birtud, lalo na at positibo ang epekto nito para sa atin.
Sa pagkaakroon ng birtud, kaya nating pangalagaan ang ating katawan at pag-iisip, kabilang na ang ating emosyon.
Magkakaroon lamang tayo ng positibong mga emosyon at hindi tayo basta-basta magpapadala sa ating damdamin.