Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan?

Sagot verified answer sagot

Ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan ay nakapagbibigay ito ng iba’t ibang benepisyo tulad ng pagkakaroon ng karamay o taong mga malalapitan sa oras ng pangangailangan, nakatutulong ito upang higit na mapakinggan ang hinaing, at nakatutulong ito sa pakikipagkapwa-tao ng indibidwal.

Ang isang samahan ay nabuo dahil sa isang layuning nais makamit. Ito ay pinagtutlong-tulungan ng mga miyembro upang makamtan ang tagumpay.

Isang halimbawa nito ang isang samahan na naglalayong maalis o mapuksa ang diskriminasyon sa kasarian partikular na ng mga kababaihan.

Isa itong samahan na kung saan naglalayong maisatinig ang mga hinaing o mga suliraning kinahaharap ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng lipunan.

Sa tulong ng samahan, mas madaling maipahayag ang saloobin at mas madaling mapansin ng mga kaukulang ahensiya sapagkat nagkakaisa ang bawat miyembro nito.