Ano ang kabutihang naidudulot ng pagtupad sa pangako?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang kabutihang naidudulot ng pagtupad sa pangako?

Sagot verified answer sagot

Kung natupad mo ang isang pangako na iyong sinabi sa iyong kapwa o komunidad, mapagkakatiwalaan ka nila nang lubos kung naisagawa mo ito dahil nakadepende rin ito sa bigat ng iyong binitawan na salita.

Ibig sabihin nito ay tapat ka sa mga tao at hindi mo sila madidismaya. Mapapasaya mo rin sila kung maganda ang iyong binitawan na salita at nakabubuti sa mga maraming tao.

Repleksyon ito kung gaano ka-responsable sa iyong mga gawain at sarili. Basta maganda ang iyong layunin sa isang pangako ay tiyak na matutuwa ang komunidad o ang isang tao sapagkat hindi mo sila pinabayaan at pinaasa lamang.