Ano ang kabuuang katuturan ng akademikong sulatin?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang kabuuang katuturan ng akademikong sulatin?

Sagot verified answer sagot

Ang pagsusulat, ayon sa mga dalubhasa, ay isang mabisang paaran upang mabilis na lumaganap at mabilis matutunan ang mga impormasyon at datos na nakakalap sa pang araw-araw na pamumuhay.

Kaya naman maging sa mga paaralan ay ginagawa ang pagsusulat. Itong pagsusulat sa paaralan ay tinatawag na akademikong sulatin.

Ang nilalaman nito ay pawing mga makatotohanang impormasyon lamang ayon sa pagsasaliksik ng isang estudyante o manunulat.

Mahalaga ang akademikong sulatin lalo sa pag-aaral bagkus ito ay nagsisilbing gabay na rin sa mga aralin ng mag-aaral. At sa mga akademikong sulatin ay nagkakaroon rin ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga napag-aralan sa buong mundo.