Ano ang kadalasang pinapaksa ng mga parabula?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang kadalasang pinapaksa ng mga parabula?

Sagot verified answer sagot

Ano ang kadalasang pinapaksa ng mga parabulaAng kadalasang pinapaksa ng mga parabula ay ang kabutihang loob at kagandahang asal. Ang mga parabula ay mga kuwentong mula sa Bibliya o banal na kasulatan.

Ito ay sinasabing nakasunod sa salita ng Diyos o sa mga aral at bagay na gustong ituro sa atin ng Panginoon at maging kabahagi ng ating buhay.

Ang mga parabula ay kapupulutan ng aral ng sinuman. Maliban sa aliwin ang mga mambabasa, ang pangunahing layunin ng pagbabasa ng parabula ay ang matutuhan ang mga aral na magpapataas ng moralidad ng isang tao at magtuturo sa kaniya ng mga bagay na may kinalaman sa disiplina at pagbabagong buhay.