Ano ang kahalagahan ng gampanin ng pamahalaan sa patakarang piskal?

Katanungan

ano ang kahalagahan ng gampanin ng pamahalaan sa patakarang piskal?

Sagot verified answer sagot

Ang kahalagahan ng gampanin ng pamahalaan sa patakarang piskal ay napatatatag nito ang ekonomiya ng bansa, nakapagbibigay ito ng iba’t ibang serbisyong kapaki-pakinabang sa lipunan, at nakapaglalabas ito ng mga produktong kapaki-pakinabang sa publiko.

Ang piskal na patakaran ay isang uri ng hakbang, desisyon, at pamamaraan na nagsasagawa at nagpapatupad ng isang pang-ekonomiyang gawain upang mapaunlad ang takbo at lagay ng ekonomiya ng bansa.

Ito ay nasa ilalim ng pamamatnubay ng pamahalaan na siyang nagsasaayos sa takbo at nagpapatupad ng iba’t ibang gampanin gayundin ng tungkulin ng piskalyang ito.

Mahalaga ang pamahalaan sa sektor na ito sapagkat marami ang naidudulot nitong maganda sa ekonomiya at pati na rin sa mamamayan.