Katanungan
ano ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan?
Sagot
Ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan ay sila ang nagsisilbing sandigan at lakas ng mga kalalakihan na nakatutulong upang higit na magampanan ang kani-kanyang tungkulin sa bayan.
Ang mga kababaihan mula sa nagdaang panahon ay hindi nabibigyang halaga sa lipunang ginagalawan sapagkat ang kanilang kakayahan ay nalilimitahan lamang sa paggawa sa mga pambahay na gawain at pagsisilbi sa kanilang may bahay.
Subalit sa paglipas ng panahon, ang paninindigan at katapangang ipinamamalas ng mga kaibigan ay ang nagsisilbing sandigan at lakas ng kani-kanyang katuwang sa buhay na kung saan ang kakayahang ito ay kinapupulutan ng aral at inspirasyon upang higit na gampanan ang tungkulin sa kabila ng mga hamong kinahaharap.