Ano ang kahalagahan ng kasaysayan ng wikang pambansa sa ating lipunan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang kahalagahan ng kasaysayan ng wikang pambansa sa ating lipunan?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang kasaysayan ng ating wika dahil ito ang nagsilbing pundasyon ng kasalukuyang wika ngayon. Dito nagsimula ang lahat at ito ang ating pagkakakilanlan kaya mahalaga na balikan at pag aralan pa rin ito.

Sabi nga ni Rizal ay “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”, dito napapatunayan ang kahalagahan at pagiging makabayan din ng isang indibidwal kung nirerespeto pa rin niya ang kanilang kasaysayan.

Kung hindi dahil sa kasaysayan ng ating wika at mga dating nagamit na wika, hindi ganito ang mangyayari sa kasalukuyan at hindi ganito kaunlad ang wika natin ngayon. Lagi’t lagi ay dapat balikan ang kasaysayan dahil maaari rin mapagkuhaan ito ng inobasyon sa mga ideya.