Ano ang kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaryong isyu para sa pamilya at komunidad?

Katanungan

ano ang kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaryong isyu para sa pamilya at komunidad?

Sagot verified answer sagot

Ang kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaryong isyu para sa pamilya at komunidad ay nakatutulong ito upang maging handa at mulat ang mga tao hinggil sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang kapaligiran.

Ang pag-aaral sa mga napapanahong isyu ay mahalaga sapagkat naihahanda nito ang mga indibidwal upang maging handa sa anumang maaaring maganap.

Isama pa riyan na nagiging sanhi ang pagkaka-unawa rito upang makilahok ang bawat isa tungo sa paglutas ng mga kontemporaryong suliranin na maaaring magdulot ng kaayusan at mabuti sa pang-araw-araw na kagalingan ng pamilya at komunidad.

Bilang karagdagan, ang mga kontemporaryong isyu ay nakatutulong upang maimulat ang mga indibidwal partikular na ang kabataan hinggil sa mga suliraning kinahaharap ng bansa.