Ano ang kahalagahan ng pagdedesisyon o paggawa ng pasya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kahalagahan ng pagdedesisyon o paggawa ng pasya?

Sagot verified answer sagot

Ano ang kahalagahan ng pagdedesisyon o paggawa ng pasyaMalaki ang pagdedesisyon at paggawa ng pasya sa buhay ng tao. Una, sa paggawa ng desisyon ay malalaman ang susunod na hakbang na gagawin.

Ang paggawa ng susunod na hakbang ay mahalaga naman upang umusad sa buhay at maisagawa ng isang bagay nang ayon sa nais.

Ikalawa, ang paggawa ng desisyon ay isang indikasyon na ang isang tao ay nag-isip nang kritikal at may gustong makamit sa buhay. Ang isang desisyon ay ginagawa kasama ang matagalan at malalimang pag-iisip.

Panghuli, ang paggawa ng desisyon ay mahalaga dahil dito natin nalalaman kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang tao at kung paano niya gustong gawin ang isang bagay sa kaniyang buhay.