Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lider sa isang pangkat?

Katanungan

ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lider sa isang pangkat?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang pagkakaroon ng lider upang maayos at may tumitingin sa buong pagkilos ng isang pangkat. Tinitignan niya kung natatanganan nang maigi ang mga gawain at kumikilos ang lahat.

Bukod pa rito, siya rin ang nagsisilbing gabay upang organisado na kumikilos ang mga miyembro nito at hindi namamaksima ang gawain, siya rin minsan ang nagbibigay gawain na may gabay niya at nakikiisa sa mga gawain ng pangkat.

Makikita ang isang lider bilang tagapangasiwa ngunit marunong magpakumbaba at hindi lamang utos nang utos. Siya rin ay kumikilos kasama ng mga miyembro at nagiging modelo sa kanilang pangkat. Ang lider ay ang kadalasan na sinusunod din ng mga kalahok sa pangkat.