Katanungan
ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang organisasyon?
Sagot
Ang pagbuo ng isang organisasyon ay isang mahirap na hakbang. Kailangan ay makahiyakat ng mga sapat na miyembro na may mga layunin at mithiin na iisa.
Ang mga layunin ng isang organisasyon ay dapat sa ikauunlad ng pamayanang kanilang ginagalawan at sa ikabubuti ng mga tao na kalahok sa pangkat.
Isa pang importanteng bagay sa isang organisasyon ay ang pagkakaroon ng mahusay at magaling na pinuno o lider. Ang taong iluluklok bilang pinuno ay siyang mangangasiwa sa prokeyto, programa, at iba pang mga aktibidad ng organisasyon.
Kailangan siya ay may karanasan at kaalaman sa pagpapatakbo ng isang organisasyon dahil sya ang gagabay sa mga miyembro kung ano ang tamang gawain.