Katanungan
Ano ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral?
Sagot
Ang pagresolba sa kahirapan ay mahalaga sa akin kahit na ako lamang ay isang mag-aaral. Una sa lahat, kung ang kahirapan ay mareresolba, mas maraming mga bata ang makakakuha ng kalidad na edukasyon tulad ko ngayon.
Malaking tulong talaga iyon para sa kanila. Ikalawa, giginhawa ang buhay ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay para sa pamilya o iyong mga working student.
Kahit na hindi ako direkta ang nakikinabang sa pagresolba ng kahirapan ay talaga namang matutuwa ako kung mareresolba ang kahirapan.
Maraming mga pamilya ang makakaahon sa buhay at hindi na mag-aalala sa kung anong magiging kahihinatnan nila sa buhay nila.