Katanungan
ano ang kahulugan ng lagom?
Sagot
Ang lagom ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ay mababasa sa mga akdang piksyon. Kadalasang ang lagom ay hindi lalagpas sa dalawang pahina at siya ring ginagamit na panloob o panlabas na pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.
Ang lagom ay tinatawag ding sinopsis o summary. Binubuod kasi ng lagom ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong bumuo ng kaniyang pag-aaral tungkol sa isang paksa.
Ang lagom ay masasabing isa ring buod dahil ito ay presentasyon sa pagbuo ng isang maikling balangkas ng mga mahahalagang impormasyon na nakapaloob sa isang pananaliksik na dapat ay payak at tiyak.