Ano ang kahulugan ng lantay?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang kahulugan ng lantay?

Sagot verified answer sagot

Ang lantay ay walang pagkukumpara o paghahambing sa iba pang paksa. Isa lamang ang kaniyang inilalarawan sa loob ng isang pangungusap.

Halimbawa na lamang ng “si Wacky ay magaling na artista” o kaya “si Tana ay mainipin”. Isang paksa lamang ang tinutukoy ng lantay at hindi na ikinumpara pa sa ibang bagay.

Ang bigat nito ay lapat lamang o nakasasapat lamang, hindi tulad ng iba na dinadagdagan ng “mas” o “pinaka”. Isa ito sa parte ng wika na maaaring magbigay bigat sa kung ano ang mas nakatataas na isang bagay o mas nakabababa. Ang lantay ay isang pang uri na simpleng inilalarawan ang pangngalan.