Ano ang kahulugan ng neokolonyalismo?

Katanungan

ano ang kahulugan ng neokolonyalismo?

Sagot verified answer sagot

Ito ang makabagong pananakop ng mga malalakas o makapangyarihan na bansa sa mga ibang maliliit na bansa.

Sa pamamagitan nito, hindi nila ito direkta sinasakop ngunit pinadadaan nila ito sa mga polisiya, kultura, tradisyon, o kaya militar.

Dito sila nakaka-ganansya ng mga likas na yaman upang pagsilbihan ang kanilang personal na interes. Bukod pa rito, kontrolado nila ang iilang polisiya upang mapasakamay pa rin nila ang maliit na bansa, minsan ay may sinusuportahan silang politiko nang patago upang maisulong ang kanilang kagustuhan.

Halimbawa na lamang noon si Ramon Magsaysay na “CIA backed” noon. Ang salitang neo ay nangangahulugang “makabago” kaya ganito ang tawag sa kaniya ngayon.