Ano ang kahulugan ng pananampalataya?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang kahulugan ng pananampalataya?

Sagot verified answer sagot

Ang pananampalataya ay ang tawag sa lalim ng paniniwala ng tao sa Diyos. Ang pananampalataya ay isang ugaling taglay ng maraming indibidwal na siyang nagpapatibay at nagpapa-unald ng kanilang ugnayan sa amang lumikha.

Ang bawat tao ay may kalayaang siyasatin, alamin, at unawain ang iba’t ibang turo ng mga relihiyon na siyang nakatutulong sa kanila upang mapagtibay ang kanilang pananalig.

Kadalasan, nagkakaiba-iba ang paniniwala ng mga tao dahil na rin sa pagkakaiba-iba ng bawat relihiyon subalit ang lahat ay nagkakasundo sa pagkakaroon ng nag-iisang Diyos lamang. Madalas nag pananampalataya ang kinakapitan ng mga tao kung may malaking unos na kinakaharap.