Ano ang kahulugan ng SWP?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang kahulugan ng swp?

Sagot verified answer sagot

Ang kahulugan ng SWP ay Surian ng Wikang Pambansa. Ang surian ng Wikang Pambansa o SWP ay naitatag sa panahon ng komonwelt sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel Luis Quezon.

Ito ay naitatag noong ika 13 ng Nobyembre taong 1936 na naglalayon na makapili ng isang wikang katutubo na siyang magiging batayan ng pagpapatibay at pagpapa-unlad ng wikang pamabansa ng Pilipinas.

Ang unang naging pangulo ng SWP ay si Jaime C. Veyra, matapos na mailuklok noong ika 13 ng Enero taong 1937.

Mula sa pagkakaroon ng isang maliit na opisina matapos ang ilang taon ang SWP ay nagpalipat-lipat at kalaunan ay nakapagtayo ng tanggapan sa kalye Lipa, Maynila.