Katanungan
ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
Sagot
Ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit ay ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ng katayuan ng mga tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ang awiting pinamagatang tatsulok ay orihinal na likha ni Rom Dongeto noong taong 1989. Ito ay unang inawit ng isang bandang tinatawag na Bandang Buklod bago pa man ito mapasikat ng kilalang mang-aawit na si Bamboo.
Ang pamagat ng awiting ito ay tatsulok na siyang ginamit upang ilarawan ang hindi pantay na katayuan ng mga tao sa isang lipunan. Ang estado ng tao sa antas na ito ay naaayon sa klase ng kanilang kabuhayan o kinikita sa araw-araw.