Ano ang kahulugan ng Tauhang-Lapad at Tauhang-Bilog?

Katanungan

Ano ang kahulugan ng Tauhang-Lapad at Tauhang-Bilog?

Sagot verified answer sagot

Sa isang panitikan, tulad ng mga maiikling kwento o kaya naman ng mga nobela, ay may mga tauhan. Ang mga tauhan na ito ay ang mga tao na may ginagampanang karakter.

May dalawang uri ng tauhan. Ito ay ang tauhang lapad at tauhang bilog. Ang tauhang lapad ay tumutukoy sa uri ng tauhan kung saan hindi nagbabago ang pag-uugali at karakter ng isang tao sa buong istorya o kwento.

Sa kabilang banda naman, tauhang bilog ang taguri sa isang tauhan kung saan siya ay nakikitaan ng pagbabago sa ugali at kanyang karakter. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na isang “character development” sa wikang Ingles.